Tuesday, February 19, 2013

Impeng Negro

                                                                Impeng Negro
                                                              ni Rogelio Sikat

           Naghuhugas ng kamay sa giray na batalan ang maglalabing-anim na taong si Impeng ng mapahintodahil sa pangangaral ng kanyang ina.Baka raw kasi mapaaway na naman ito. Bago umalis, binilinan siya nito na dumaan kay taba pag-uwi at bumili ng gatas ni Boy, kanyang kapatid. Sa apat na magkakapatid, siya lang ang maitim dahil sina Kano, Boyet at Dingding ay mapuputi lalo na si Kano. Sa kanyang pag-alis, sinuot niya ang kamisetang maluwang na dati'y lapat nalapat sa kanya.
          Parati siyang sinasabihan ng ina na huwag pansinin si Ogor dahil talagang basagulero raw ito. Lagi niya itong tinatandaan ngunit sadyang hindi niya matagalan ang mga panlalait nina Ogor. Si Ogor na kahit kaila'y di siya tinuring na kaibigan. Siya ang malakas na agwador na kinatatakutan ng lahat. Di nagtagal, natanggap rin niya ang mga panlalait nito dahil iyon naman ang totoo.
           Agad siyang pumila sa may gripo nang marating na ito. Sa paglipas ng oras, nakaipon na siya ng sisenta sentimos at may isa pang nagpapa-igib sa kanya. Bagamat naiinitan, hindi na niya tinangka pang sumilong sa tindahan dahil naroon sina Ogor. Nang siya naman ang iigib biglang sumingit si Ogor, dahil dito ginusto na lang niyang umuwi ngunit pinatid siya nito. Ito ang dahilan kung bakit dumugo ang kanyang pisngi.
           Matapos nito ay sinipa pa siya at gumulong sa mga balde. Nagsipagtawanan ang mga tao. Muli siyang sinipa sa pigi ni Ogor. Ngunit ng akmang sisipain siya ulit nito, agad niyang kinagat ang kanang paa nito. Dito niya napadapa si Ogor.
          Nang muling mapailalim, pinilit niyang pumaibabaw at sa wakas, napailalim niya muli si Ogor. Dito samu't saring suntok ang pinaulan niya kay Ogor na nagpahina at nagpasuko dito. Tumayo siya at tiningnan ang mga tao, ang mga ito'y nahihiya na sa kanya. Dito, natuklasan niya ang kakaibang lakas na taglay at nadama ang tibay, tatag at kapangyarihan. At sa gitna ng matinding sikat ng araw, siya'y naging isang mandirigmang sugatan na nakatindig sa napagwagihang  larangan.

No comments:

Post a Comment