Kay Mariang Makiling
Nagpaalam noon ang nanay.
hindi ipinaalam kung saan siya pupunta.
anong pook ang maari niyang puntahan
upang di na magbalik?
anong pook ang maari niya?
nagkampo kami ni tatay sa Makiling.
inalala ang kwento ng diwatang
naglaho sa panglaw ng sariling panaghoy.
‘hindi na siya babalik’ sabi ni tatay.
pag-uwi, tinanaw ko ang bundok,
at totoo, mas maganda itong tignan
sa malayo: hindi matitinag, buo.
hindi ipinaalam kung saan siya pupunta.
anong pook ang maari niyang puntahan
upang di na magbalik?
anong pook ang maari niya?
nagkampo kami ni tatay sa Makiling.
inalala ang kwento ng diwatang
naglaho sa panglaw ng sariling panaghoy.
‘hindi na siya babalik’ sabi ni tatay.
pag-uwi, tinanaw ko ang bundok,
at totoo, mas maganda itong tignan
sa malayo: hindi matitinag, buo.
No comments:
Post a Comment