Saturday, March 2, 2013

Link to Filipino learning package

http://baitang7.files.wordpress.com/2012/07/learning-package_baitang-7-unang-markahan-revised-051512.pdf

http://www.depednaga.com.ph/learning-materials.html

Hari ng Tondo by Gloc 9


Hari Ng Tondo
ni Gloc-9

Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng Tondo, hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
Hari ng Tondo, hari ng Tondo-ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo

[Voice: "May gatas ka pa sa labi, gusto mo nang mag-hari dito sa Tondo?"]

Minsan sa isang lugar sa Maynila
Maraming nangyayari
Ngunit takot ang dilang
Sabihin ang lahat
Animo'y kagat-kagat
Kahit itago'y 'di mo pwedeng pigilin ang alamat na umusbong
Kahit na madami ang ulupong
At halos hindi iba ang laya sa pagkakulong
Sa kamay ng iilan
Umaabusong kikilan
Ang lahat ng pumalag
Walang tanong
Ay kitilan ng buhay
Hukay, luha'y magpapatunay
Na kahit hindi makulay
Kailangang magbigay-pugay
Sa kung sino mang lamang
Mga bitukang halang
At kung wala kang alam
Ay yumuko ka nalang
Hanggang sa may nagpasya
Na sumalungat sa agos
Wasakin ang mga kadena na siyang gumagapos
Sa kwento na mas astig pa sa bagong-tahi na lonta
Sabay-sabay nating awitin ang tabing na tolda

Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng Tondo, hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
Hari ng Tondo, hari ng Tondo-ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo

[Voices: "Sino ang may sabi sa inyo na pumasok kayo sa teritoryo ko? Amin ang lupang ito." "Hindi, kay Asiong!"]

Nilusong ang kanal na sa pangalan niya'y tumawag
Alang-alang sa iba, tsaka na muna ang paawat
Sa maling nagagawa na tila nagiging tama
Ang tunay na may kailangan ang siyang pinatatamasa
Lahat sila'y takot, nakakapaso ang 'yong galit
Mga bakal na may nagbabagang tinggang papalit-palit sa hangin na masangsang
Nakakapanghina ang nana at hindi mo matanggal na para bang sima ng panang
Nakakulawit subalit sa kabila ng lahat
Ay ang halimuyak lamang ng nag-iisang bulaklak
Ang siyang tanging naghahatid sa kanya sa katinuan
At hindi ipagpapalit sa kahit na sinuman
Ngunit nang dumating ang araw na gusto na niyang talikuran
Ay huli na ang lahat
At sa kamay ng kaibigan
Ipinasok ang tingga
Tumulo ang dugo sa lonta
Ngayon, alam niyo na ang kwento ni Asiong Salonga

Kahit sa patalim kumapit
Isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng Tondo, hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
Hari ng Tondo, hari ng Tondo-ohhh
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo

Upuan by Gloc 9


Upuan
ni Gloc-9
Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Ganito kasi yan eh...

Verse 1:

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Chorus:

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Verse 2:
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Kaya...

Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (ooh)
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata) 

Ampalaya (Ang Pilipinas 50 taon makatapos ng bagong Milenyo


ni Reuel Molina Aguila
Upang basahin ang kapalaran ng mga bayan,
kailangang buklatin ang aklat ng kaniyang kahapon.
At dahil diyan ay inuulit namin at uulitin kailanman, na,
samantalang may panahon ay lalong mabuting pangunahan
ang mga hangarin ng isang bayan kaysa pahinuhod; ang una’y
umaakit ng kalooban at ng pag-ibig; ang pangalawa ay
umaakit ng pagpapawalang-halaga at ng poot.
(Ang Filipinas sa Loob ng Sandaang Taon -
Jose Rizal)
1 Sarap na sarap sa paghahapunan ang pamilyang de la Cruz, isang gabing tikatik ang
ulan at ang simoy ng amihan sa mga unang araw ng buwan ng Pebrero ay naghahatid
ng nakapanghahalukipkip na lamig.
2 Sa liblib na baryong ito na lalong naging liblib dahil napag-iwanan ng mabilis na pagbabago ng mundo, ang munggong sinahugan ng ampalaya at tinambalan ng tuyo ay
langit nang masasabi.
3 “Heaven!”
4 Ganyan nga ang sinabi ng kabataang mountaineer na minsang nagawi sa pamilya
de la Cruz at nakisalo ng munggong may ampalaya. Matagal na raw siyang hindi
nakakatikim ng ganoong ulam.
5 Hindi iyon maunawaan nina Juan de la Cruz dahil pangkaraniwan lang na ulam nila
iyon. Pagkaing mahirap, wika nga. Laking tuwa nila nang abutan sila ng ilang de-lata
bilang kapalit sa munggo’t ampalaya.
6 Kaya’t sa tuwing ganito ang kanilang ulam ay naghahagikgikan ang pamilya de la Cruz
sa alaalang ito.
7 Hagikgikan pa sila nang hagikgikan dahil sa sinasabi sa radyo habang naghahapunan
sila. Hindi nila mapagtanto kung ano ang sinasabi ng announcer. Bargain sale daw sa
Super Tiangge Mall ng mga kasangkapan tulad ng teleponong nakikita ang kausap at
bombilyang 10 watts lamang pero kayang ilawan ang isang malaking plasa.
8 Sapagkat, ni koryente o linya ng telepono ay wala sila. Taong 2050 ay wala silang
koryente o linya ng telepono.
9 Nagkaroon kung sa nagkaroon ngunit pinutulan din ang buong baryo nang ang
karamihan dito ay hindi nakayanang magbayad.
10 Gapok at nakahilig na ang mga poste ng koryente; at ang mga kawad ay pinagkukuha
na nila para gawing sampayan o panali ng kung ano-ano.
11 Gayon ding nakatiwangwang na ang butas-butas na mga solar panel na ikinabit noong
bata pa si Juan. Donasyon iyon ng mga Aleman, limampung taon na ang nakakaraan,
noong bago magpalit ang taon sa kalendaryo mula sa panimulang disinuwebe tungo sa
dalawampu.
12 Tulong daw iyon upang hindi magdumi ang papawirin mula sa karbong ibinubuga ng
mga de-langis na plantang lumilikha ng koryente. Na, sa pagdami ng karbon sa
papawirin ay siyang nagiging sanhi ng pag-init ng mundo. At siya namang sanhi ng
pagbabago ng klima at panahon: wala sa panahong bagyo, panay-panay na tagtuyot,
at kainitang pati silang sanay nang mababad sa araw ay umaangal.
1. Ano ang kalagayan sa buhay ng pamilya ni Juan de la Cruz? Magbigay ng mga patunay.
2. Bakit kaya “heaven” para sa kabataang mountaineer ang ulam na ampalaya at tuyo, gayong
pangkaraniwan lamang ito sa pamilya de la Cruz?
3. Bakit naman sila tuwang-tuwa pagkabigay sa kanila ng mga de-latang pagkain ng mountaineer?
4. Batay sa mga impormasyong inilahad sa bahaging ito, ipaliwanag ang tagpuan ng kuwento –
saan at kailan ginanap ang istorya.13 Ngunit sa pagdalaw ng bagyong siya nga sanang nilulutas ng solar panel ay siya
namang pagkabutas-butas at pagkakalasog-lasog nito.
14 Sa tuwing nakikita ni Juan ang mga kalansay ng panahong iyon ay sumasagi sa kaniya,
bilang isang gising na bangungot, ang mga ritwal, takot, at pag-iimbak ng mga
pagkain dahil sa sunod-sunod na kalamidad na dumadalaw na siyang kinikilalang mga
signos ng katapusan na ng mundo; at paniwalang hatid ng pagbabago ng milenyo.
15 Tuyo na rin at tinabalan na ng damo ang mga poso, na kapag hinawan ang sukal ay
makikita pa sa semento ang mga pangalan ng nangampanyang meyor, gubernador,
kinatawan, bokal, at pangulo. Ang mala-lapidang talang ito ay parang isang punit na
pahina na siya na ring nagsisilbing tanging nakatalang kasaysayan ng baryong iyon.
16 Kaya nga’t napapahagikgik na lang sila sa tuwing nakakarinig sila ng mga balita
tungkol sa mabilis na pagbabago sa lungsod at sa ibang sulok ng daigdig.
17 Gaya ng iba pang produktong inaanunsyo ng announcer na kahit pa singkwenta
porsyento ang ibinaba ng mga presyo nito, dahil sa pagkawala ng taripa ayon sa
umiiral na pang-ekonomiyang kalakaran ng globalisasyon, ay hindi pa rin maabot ng
karaniwang mamamayan.
18 Sa radyo niya narinig ang mga mabibigat na salitang iyon hinggil sa pang-ekonomiyang
kalakaran, tuwing umagang bago niya harapin ang kaniyang mga pananim. Kaya’t
tuwing umaga nga, sa awa ng itinatagal ng baterya, pilit inuunawa ni Juan kung bakit
umuunlad naman ang ibang bansa, o kung bakit umuunlad naman ang Maynila ay lalo
naman yatang nahuhuli ang kanilang baryo.
19 Kalabaw pa rin ang gamit nila sa pagsasaka samantalang sinasabi rin sa radyo na
de-robot na ang pagsasaka sa ibang bansa.
20 Sinungaling marahil ang radyo. O, marahil hindi niya nasundang mabuti ang sinasabi
ng radyo dahil madalas maubusan siya ng baterya.
21 Pero sa radyo din niya narinig na ‘wag daw silang mag-alala. ‘Yan ang pangako ng
bagong pangulo, isang child actress noong magpang-abot ang mga milenyo na higit na
nakilala sa halos makatotohanang pagganap niya sa papel ng batang ginang-rape ng
kaniyang lolo, ama, at mga tiyuhin.
22 Pararatingin daw niya ang kaunlaran hindi lang sa Maynila, bagkus sa kaliblib-liblibang
sulok ng bansa, gaya ng kanilang baryo. Iyon ang pangako ng dating child actress.
23 Kaya’t ganoon ngang umaasa na lang sina Juan. Sapagkat, ano pa nga ba ang
kanilang magagawa kundi ang umasa na lang at magsikap sa araw-araw.
24 Ni hindi nga siya sumapi sa mga rebeldeng halos mag-iisandaang taon nang
nakikipaglaban ngunit hindi pa rin nagwawagi.
25 Sa ilang pagbisita sa kanila ng mga ito ay nakikipaghuntahan sila kay Juan at
ipinapaliwanag kung bakit paurong lalo ang takbo ng buhay sa kanayunan. Ito,
diumano ay sanhi ng globalisasyon na sinimulan noon pa mang dekada ’90 ng ika-20
siglo. At kaya nakalusot ang bagong kaayusang ito ay dahil sa imperyalistang hangarin
ng Estados Unidos, sa pakikipagkutsabahan nito sa naghaharing uri ng bansa sa
pangunguna ng mga panginoong maylupa at komprador-burgesya.
26 Kung anuman ang pinagsasabi sa kaniya ng mga taong labas ay hindi niya
maunawaan; na ‘yon din naman ang kantsaw ng matandang si Kadyo, 80 anyos at
dating aktibista sa kaniyang kapanahunan—na halos mag-iisandaang taon na ay iyon
pa rin ang uri ng pagsusuri ng mga rebelde sa lipunang Filipino.
27 “Sapagkat hindi po nagbabago ang kaayusang politiko-ekonomiya ng bansa,” ang
mariing ratrat ng batang gerilya.
28 “Ipasa-Diyos na lang natin,” ang sabi naman ng pari na taunan kung magmisa sa
kanilang baryo.
29 “Magbabago para sa kabutihan ang lahat,” ang sabi naman ng kandidatong meyor, na
anak ng dating meyor, na anak din ng dating meyor, na anak pa uli ng dating meyor, na
anak ng…
30 “Putris naman.” Ito ang sumasagi lagi sa isipan ni Juan tuwing nauungkat sa anumang
pagkakataon ang kaunlaran sa lungsod at ang kahirapan naman sa kanilang baryo.
31 Hanggang sa natutuhan na niya at ng kaniyang pamilya na maghahagikgikan na lang
sa tuwing nauungkat ang mga ganitong kaunlaran.
32 Para lamang daw iyang LRT sa Kamaynilaan na maigi ngang sa pagpasok mo sa isang
estasyon ay makakarating ka saan mang parte ng Maynila; ngunit ikot lang nang ikot at
hindi nakakaabot sa kanayunan.
33 Mahigit limampung taon na si Juan, halos kasintanda ng bagong milenyo; isang tunay
na magsasakang nabubuhay kahit paano sa kaniyang mga sinasaka, umaasa sa sarili
at walang pineperwisyo.
34 ‘Yan lang ang kaniyang maipagyayabang, na binuhay niya ang kaniyang pamilya,
walang-wala man sila. Sapagkat ganoon din siya binuhay ng kaniyang ama, kahit
walang-wala mandin sila.
35 Kaya’t nakakahimlay siya, sila, nang matiwasay tuwing gabi. Lalo pa ngayong
halumigmig ang hangin na pinag-init naman ng kaninang umaasong munggong may
ampalaya na hinapunan nila kanina.
36 At sila’y natulog nang mahimbing.

Tutubi tutubi, huwag kang magpapahuli sa Mamang Salbahe


Mula sa Tutubi, Tutubi, Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe ni Jun Cruz Reyes
(pahina 140-143)


Sa halip ang sinabi niya, “No, Jojo, you don’t understand. Bata ka pa kasi. Balang araw, kapag naging magulang ka na, maiintindihan mo rin ang sinasabi ko.” Ayaw ko ng logic niya, pirming siya ang matanda. Pirming siya ang tama. Pirming ako ang bata, kaya pirming ako ang mali, at pirming ako lang ang dapat matuto. Pero nakapagtatakang kami na kulang sa isip ang pirming hinahanapang maging tama. Bakit kaming kulang sa isip ang kailangang umunawa sa husto raw ang pag-iisip?


Sa pag-iisa, sa aming uri ng insecurity, bakit walang makaalalang magtanong kung ano ang iniisip namin? Kung sa paghahanap ng solusyon sa problema ay mali ang makuhang paraan, nagagalit sila. Paano naman ang gagawin namin sa mundo? Tumigil na lang basta sa paghinga? A, kay hirap mabuhay sa mundo na panay bawal, wala namang magturo ng tama. Kung sa pagtanda ko’y magiging kamukha ko rin sila, hindi bale na lang. Ayaw kong tumanda. Bawal maging pilyo. Mas lalong bawal maging seryoso. (Mag-i-idiot na lang ako.) Kamukha ngayon, daig ko pa ang napagkaisahan. Nagtatanong lang naman, pero nakakagalitan. 


Umiiwas sa kaguluhang hindi naman ako ang may kagagawan. Para na rin akong daga na tulirong nangangapa sa lungga. Ano ang gagawin ko sa aking sarili? Para rin akong may sakit na nakakahawa na hindi basta puwedeng lumapit sa kapwa.


Saan ba ako pwedeng magpasiya? ‘Yong kaluluwa ko, kargo ng pari. ‘Yong marka ko sa eskuwelahan, nakasalalay sa dulo ng pulang ballpen ng titser ko. ‘Yong gusto kong kurso, nakatali sa dulo ng bulsa ng tatay ko. ‘Yong kalayaan ko, kahit bahagya ko pa lang nagagamit ay pinutol na nila. Sila na rin ang nagbibigay ng bagong kahulugan noon, kahit hindi kami kinonsulta. Ano nga ba ang pakialam nila sa kapalaran ng mga hamak na estudyante. Kapirasong pangalang wala namang katuturan ang naiwan sa amin. Ni hindi magamit dahil hindi naman galing sa malaking tatak. Pamilyang walang sinabi, batang walang silbi. Ay naku. Gusto ko lang magtanong, gusto ko lang matuto, kasalanan na pala iyon at ang ayaw maniwala sa kanila’y nakakaligtaan. Hindi galit ng ama sa anak o ng Diyos sa tao; galit ng maligno, kahit saan ka magtago, hindi ka makakatakas.


Ayaw ko nang makinig sa mga usapang “noong araw” na hindi ko makita ang kabuluhan sa kasalukuyan. Ayaw kong maging ulyaning paulit-ulit ang sinasabi. Ayaw kong maging (mas) makulit. Ayaw kong maging inutil. Kay hirap ng maraming tanong sa buhay. Kay hirap ipanganak na “erehe” at “pilibustero” sa mundo. Kay hirap mapagsabihang bandido at terorista. Kay hirap maghanap ng kahulugan ng pangalan. Wala akong balak malagay sa pera ang retrato ko. Gusto ko lang may sumagot at makinig sa tanong ko. Di pangako ng baril, argumento ng bala, halakhak ng kanyon, ano pa? Lahat yata ng matanda, sarili lamang ang nakikitang mainam. ‘Yon lang kasing karansan nila ang kabisadong ikuwento. Pag iba na ang usapan, tulad ng halimbawa ng buntonghininga ng mga katulad ko sa mundo, hindi na sila interesado. Parang kami ang nag-uso ng salitang rebolusyon. Pag narinig ito, tumataas ang lahat ng buhok nila, pati sa kilikili, kaya bumabaho tuloy ang usapan. Saka magtatatalak, kami ang makakagalitan. Luma na ‘yon, tanungin mo si Bonifacio. Kung ayaw mong maniwala, e bakit nakikiselebrasyon ka sa araw ng mga bayani? Saka ba’t mo siya tinitingnan sa mga pera? Bugbog –sarado pag nahuli.Torture kapag ayaw umamin, firing squad kapag nakunan ng ebidensiya. Salvage kapag nakagalitgan, salvage rin kapag nakatuwaan. Kung magrereklamo pati kaluluwa mo, pati ito buburahan ng anino. Saan na ako pupunta, ano na’ng gagawin ko sa sarili ko?


Magbabad na lang kaya ako sa disco? Sayaw na lang kaya ang problemahin ko? Pero Iglesia ni Kristo naman ang mga paa ko, hindi marunong kahit na pandanggo. Tumambay na lang kaya ako sa mga kanto tulad ng ginagawa ng mga propesyonal na taong kanto? Ano naman ang gagawin ko roon, mag-abang sa pamumulaklak ng poste?


Ay naku ulit, pinipilit ko lang maging matino sa sarili kong paraan, wala pang kaubrahan. Hindi naman siguro ako ginawa ng sino mang gumawa para sa lang maging basta yagit. Wala rin akong balak maging kontrabida sa buhay. Marami lang talagang tanong ang isip ko na naghahanap ng kahit na kapirasong sagot. At sa lipunan, bago man o luma, maraming pikon.
Silang punot’t dulo ng problema ko ngayon, silang namamahala, kung totoong parang tatay at nanay sila, tulad nina Malakas at Maganda, bakit ibang klase silang magpatupad ng disiplina? Bakit hindi magkasya sa pangaral? Bakit hindi nila maintindihan na ang ginagawa lang naman naming mga kabataan ay bilang pagsasanay sa paghahanda sa aming kinabukasan? Kung dadaanin kami sa bugbog, di lalaki kaming mga tuliro. Kung kami na ang mga pinuno, paano magpapasiya ang isang hilo?


Akala mo’y hindi sila marunong mamatay. Kung sila nang sila, at kung wala na sila, paano naman kami? Kung mamana namin ang ugali nila, di kawawa ang susunod na henerasyon, kami na matanda na ang siya namang mambubugbog sa kanila. Bakit ayaw nilang matuto kaming makialam, makisangkot? Habang buhay bang tagapalakpak na lang kami sa mga talumpati nilang hindi naman sila ang gumawa? Dapat bang maging utak-sakristan lang kami na amen lang ang bokadurang lumalabas sa bibig kapag kinausap? Saka kung itinuturing kaming parang anak, bakit kami sinisiraan? Tatatawaging misguided elements, adventurists, communists, terrorists. Basta masama, kami. Basta tama, sila? Kung ganoon silang klaseng magulang, hindi na lang baleng maging ulila, ayaw kong sumali sa kanilang pamilya. Hindi baleng mabobo, tulad ng tingin nila sa aming mga aktibista, huwag lang maging baliw na tulad nila.


Bakit ba ganito, kapag makikinig ka sa usapan ng matatanda parang parating panahon lang nila ang mahalaga. Mahusay na estudyante, baka noong panahon ni Quezon. Mahusay na sundalo, baka noong panahon ng Hapon. Walang naaalala kung hindi “noong araw” (Parang sila ang una at huling Pilipino.) Saka idagdag din kung gaano kaganda ang kanilang panahon na hindi katulad ngayon, panay kahulugan. Parang kami ang umimbento ng salitang kahirapan at problema. At kami na bunga nito, na dapat unawain ang siyang nakagagalitan kapag napag-uusapan ang kamalasan. Sagana noong araw, pero bakit tayo utang ng utang sa mga dayuhan? Saka bakit kami ang tagabayad nito balang araw? Pakikinig ba sa matatanda sa Ilog Pasig ang solusyon sa mga problema? Baka kaya sila ay isang malaking problema? Parati silang tama, ang mga Mam at Sir at mga Gardonet , sila lamang ang tanging nakakaalam sa pagpapatakbo ng mga bagay-bagay sa mundo. Sila lamang ang may monopoly ng talino. Saka nila pilit palalakihin ang papel nila sa lipunan. Ipagpipilitan ang kanila, bakit hindi sila ang pakinggan at pamarisan? Sabagay, lahat naman yata ng matanda ay ganoon, ang kilala lamang ay ang sarili. Kahit saan mapunta ang usapan, ang halimbawa nila ay ‘yong tungkol sa sarili. Kahit saan mapunta ang usapan, ang halimbawa nila ay ‘yong tungkol sa sarili. Kung doktor ang kausap, sasabihin nitong iyon ang pinakamahusay na kurso ngayon. Ganoon din ang sasabihin kung mga titser o inhinyero ang tatanungin. Pero paano kaya makikinig kung ang kausap ay isang pulitiko o armado? E, kung armadong pulitiko? Di pangako ng baril, argumento ng bala, halakhak ng kanyon, ano pa? Lahat yata ng matanda, sarili lamang ang nakikitang mainam. ‘Yon lang kasing karansan nila ang kabisadong ikuwento. Pag iba na ang usapan, tulad ng halimbawa ng buntonghininga ng mga katulad ko sa mundo, hindi na sila interesado. Parang kami ang nag-uso ng salitang rebolusyon. Pag narinig ito, tumataas ang lahat ng buhok nila, pati sa kilikili, kaya bumabaho tuloy ang usapan. Saka magtatatalak, kami ang makakagalitan. Luma na ‘yon, tanungin mo si Bonifacio. Kung ayaw mong maniwala, e bakit nakikiselebrasyon ka sa araw ng mga bayani? Saka ba’t mo siya tinitingnan sa mga pera?


Ayaw ko nang makinig sa mga usapang “noong araw” na hindi ko makita ang kabuluhan sa kasalukuyan. Ayaw kong maging ulyaning paulit-ulit ang sinasabi. Ayaw kong maging (mas) makulit. Ayaw kong maging inutil. Kay hirap ng maraming tanong sa buhay. Kay hirap ipanganak na “erehe” at “pilibustero” sa mundo. Kay hirap mapagsabihang bandido at terorista. Kay hirap maghanap ng kahulugan ng pangalan. Wala akong balak malagay sa pera ang retrato ko. Gusto ko lang may sumagot at makinig sa tanong ko.

Pandesal


PANDESAL

“Tinapay na may asin” ang literal na ibig sabihin ng Espanyol na pan de sal. Ang sangkurot na asin (sal sa Espanyol) marahil ang ikinatangi nito upang maging paboritong panghalili sa almusal ng isang bansang higit na nasanay kumain ng kanin.

Maliwanag na isang pamana ng kolonyalismong Espanyol ang pandesal. Ni hindi nagtatanim ng trigo ang mga Filipino nang dumating ang mga Espanyol noong ika-16 dantaon. Subalit kailangang ipag-utos ang pagmasa ng galapong na trigo para gawing tinapay dahil ito ang nakamihasnang pagkain ng mga mananakop. Bukod pa, gawa mula sa pinakapinong arina ang ostiyang Kristiyano.

Bukod sa pandesal, nahilig ang mga Filipino sa ibang tinapay bilang meryenda at siyempre pa’y naging kakompetensiya ng katutubong kakanin at puto. Naging popular ang ibang tinapay kaugnay ng mga pistang panrelihiyon. Halimbawa, ipinasok ng mga Espanyol ang pagkain ng tinapay tuwing Setyembre 10 sa mga parokyang patron si San Nicolas Tolentino, isang ermitanyong Italyano at kasapi ng ordeng Agustino. Karaniwang inilalarawan siyang nakadamit ng itim at may hawak na liryo. Kung minsan, may hawak siyang bulsikot o piraso ng tinapay na sumasagisag sa kaniyang patuloy na pagtulong sa mga maralita hanggang mamatay siya noong 1306.

Sa Filipinas, itinuturing na patron ng mga panadero si San Nicholas. Sa kaniyang pista binabasbasan ang pan de san nicolas, isang uri ng panecito, na pinaniniwalaang nakapagpapagaling ng karamdaman.

Mga Tsinong bihasa mula pa noong panahon ng dinastiyang Sung sa paggawa ng pinasingawan at hinurnong tinapay ang unang nangasiwa sa mga hurnong Espanyol sa Intramuros. Hindi kataka-takang mga Tsino ang unang sumikat na may-ari ng panaderya sa Maynila at sa mga poblasyon sa probinsiya.

Isa namang paborito tuwing Pasko ng Pagkabuhay, Todos los Santos, at Pasko ang matamis at mamantekilyang ensaymada. Winisikan lamang ng puting asukal ang tradisyonal na ensaymada. Nadagdag ang kinudkod na keso, karaniwang Eden, nitong Peacetime sa Maynila. Bago magkadigma sinasabing ipinasok ang pagpapalamuti ng itlog na pula at kesong puti sa ensaymada ng Malolos, Bulacan.

Samantala, bukod sa tradisyonal na galyetas at biskuwit, napuno ang estante ng panaderya sa iba’t ibang tinapay na may sari-saring palaman at pampalasa. Maituturing na Filipino ang mga tinapay na may lahok na niyog at saging. Hindi rin nanatili sa almusal kasama ng kape ang pandesal. Ibinabaon itong sandwits, gaya ng naging turing sa mahigpit nitong kalaban—ang pan amerikano, isang mahaba, malambot, at tinitilad na tinapay, na naging popular nitong panahon ng Amerikano.


Naging pamantayan din ang pandesal ng ekonomyang pambansa. Itinuring ang patuloy nitong pagliit bilang patunay na tumataas ang presyo ng inaangkat na arina, at samakatwid, na humihina ang halaga ng piso. Naging pagkakataon naman ito sa naging malakas na benta nitong dekada 70 ng hot pandesal—na maliit nga ngunit dahil sa bagong teknolohiya’y napananatiling laging mainit.